Season 1 : Nakaka RELATE ka ba?
Bago ako umalis ng bansa at maging isang tunay na bagong bayani, isa rin ako sa mga nagtanong ng payo sa mga umalis na at sa mga nandun sa bansa na pagtatrabahuhan ko. Isa si Ton-Ton sa mga una kong tinawagan at pinagtanungan. “Kung may isa akong magiging problema sa ibang bansa, ano yon?
Ang sagot niya sa akin ay weird... Alamin sa aming masinsinang usapan.
Episode 2
Gusto mo pa ba ang ASAWA o JOWA mo?
| Tabo Pod
Bakit tayo nag se-stay sa isang relationship? Dahil matagal na kayo? Dahil sa mga anak?Dahil sa UTANG NA LOOB? Bakit ba tayo nagbibilangan? Hindi ba pwedeng mahal kita kasi mahal lang kita? Pero paano natin malalaman?
Hali na’t alamin ang sagot sa“Gusto mo pa ba ang ASAWA/GF/BF mo?” Subaybayan ang buong usapan...
Episode 3
Okay Lang Ba Na Friends Kayo Ng Ex Mo?
| Tabo Pod
Okay ka lang ba na BF/GF/Asawa mo ay friends sila ng Ex niya? Pinag usapan namin ng masinsinan. Inisa-isa ang bawat nakaraan. Kayo kaya niyo bang pag usapan ng derechahan? Hayaan niyo na kami na lang ang magka-awkward-an.
Pakinggan ang kwentuhan dito sa “Tabo Pod” Episode na Okay Lang Ba Na Friends Kayo Ng Ex Mo?
Episode 4
Kelan Ba Sapat na ang Magsustento sa Pamilya?
| Tabo Pod
Sino sa atin ang ipinagpaliban ang pansariling kaligayahan at inuna muna ang mag sustento sa pamilya? Katulad din ba kayo ng nakararami na inuuna ang iba bago ang sarili? Kelan. Sapat. Sustento. Pamilya. Dito iikot ang usapan naming dalawa.
Ikaw? Kaya mo bang sagutin ang tanong na...Kelan Ba Sapat na ang Magsustento sa Pamilya?
Minsan nakukulong tayo sa mga kasabihan na “matutong lumingon sa nakaraan” o “matutong tumanaw ng utang na loob.” May posibilidad na malimitahan ang ating pag-usad dahil may gusto tayong tanawin na mga pabor. Ngunit hanggang saan ba ang pagtanaw ng utang na loob?
Alamin ang mga kasagutan na maaaring makatulong sa inyo sa pamamagitan ng panonood ng Utang na Loob | Tabo Pod
Kapag sinabing kamatayan mabigat agad ang pumapasok sa ating isip pero ang hindi natin alam ay may liwanag rin ito sa mga naiwan. Paano nga ba nagkaroon ng liwanag sa kamatayan?
Alamin ang mga kasagutan na maaaring makatulong sa inyo sa pamamagitan ng panonood ng Death | Tabo Pod